Tula

Hindi ko masasabing bihasa ako sa pagsulat ng tula. Marunong lang akong sumulat kahit naman papaano at pinipilit kong aralin ang mga dapat kong matutuhan sa larangang ito upang maging karapat-dapat akong matawag na makata.

Pinagsama-sama ko ang aking mga tula ayon sa mga kategoryang pinili ko. Ang mga tula kong may temang pag-ibig ay aking inipon  sa pahinang  may pangalang TIBOK  habang ang mga tulang tumatalakay sa bayan, pagkamamamayan   at   mga   isyu  patungkol sa pulitika  ay sa BAYAN MUNA.poetry

Ang mga paboritong kong love songs sa English eh ginanawan ko rin ng tula  at mababasa ang mga ito sa TINULANG KANTA

Sumulat din ano ng mga tula  ukol sa kung ano-anong bagay at mga isyu o mga paksa    na hindi tumatalakay sa pag-ibig at sa bayan. Pinagsama-sama  ko ang mga ito sa SAMU’T-SARING TULA.

May mga sinulat rin akong satirikong tula na bumabatikos sa mga sa palagay ko’y ugaling ‘di maganda ng mga taong nakapaligid sa akin at ng mga taong nakakasama ko sa trabaho.  Ito ay parunggit ngunit hindi ako nagmamalinis dahil maaring angkin ko rin ang mga ugaling hindi ko nagugustuhan sa iba kaya’t kapag nababasa ko ang aking mga tulang ito’y nagbubulay-bulay din ako. Pinagsama-sama ko ang mga tulang ito sa pahinang pinangalanan kong SA PILING NG MGA HAYOP. Bahala na ang babasa kung ano sa tingin nila ang kahulugan ng salitang hayop sa sa bahaging sa pangalan ng pahinang ito.

Lumikha  rin ako ng pahina para sa mga tula kong sinulat habang ako’y nakasakay sa jeep o insipired ng mga experiences ko sa pagsakay sa jeep. Matatagpuan ang mga tulang ito sa pahinang binansagan kong HETO NA ANG JEEP

May mga sinulat rin akong APATANG TALUDTOD (Quatrains). Nag-eksperimento rin ako sa isang uri ng tula na tinawag kong PAKWELANG TALUDTURAN na sa unang tatlong taludtod ay parang seryoso ang tinatalakay subalit sa pang-apat (clincher) ay ang sundot na patawa.

May mga tula rin akong nagpapahayag ng pagkilala sa ating Dakilang Lumikha. Pinangalang kong PAGNINILAY ang sulok na iyon ng aking website.

 

          

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: