MULA SA BINGIT

Pwede bang baguhin ng Panginoon ang lahat ng nangyari? Kung pwede nga lang sana. Pero alam kong hindi ganun ang kanyang pamamaraan. Hindi Siya nanghihimasok. Wala Siyang kinakampihan. Hinahayaan Niyang gumawa ang mga tao ng desisyon at harapin nila ang resulta ng ano mang kanilang gagawin.
Nang isilang ang tao’y nagsimulang tumakbo ang gulong ng kapalaran niya. Minsan mapapailalim siya sa gulong at pasensya na lang kung hindi siya makailag at magulungan. Maipit. Madurog. Katulad ko ngayon. Durog. Durog na durog.