Ang Mga Unggoy, Ahas at Talangka

(SA PILING NG MGA HAYOP – 1)

monkey

Sa paligid iginala ang paningin
Iba’t-ibang HAYOP ang aking napansin
At ‘di naiwasang sarili’y tanungin
Pagsubok dito’y akin bang kakayanin

May mga unggoy na lubhang mapang-inis
Walang inaatupag kundi ang tsismis
Tingin sa sarili’y  walang bahid dungis
Sa kabaitan anghel daw ang kawangis

Mga HAYOP na unggoy, ubod ng tabil
Bakit dila nila’y ‘di mapigil-pigil
Sa paninira tila ayaw tumigil
Sa pakikipagtsismisan gigil na gigil

May isang unggoy ng bibliya’y nagbabasa
Ngunit pag-uugali’y nakakasuka
Binabasa’y ‘di tumatalab sa kanya
Feeling eh sa langit siya mapupunta

Ang ibang mga unggoy mukhang mabait
‘pag nakaharap ka’y ngumingiting pilit
Ngunit sa oras na ika’y maka-alis
Tingin sa iyo’y kutong dapat matiris

May mga ahas ding sa daa’y nagkalat
Sa mga HAYOP na ‘to dapat mag-ingat
Nakangiti kapag ika’y nakaharap
Pagtalikod mo ay saka mangangagat

Bantayan kung saan ahas pupulupot
Traydor iyang  bigla na lang sumusulpot
Sa biktima kamandag ay ituturok
Ang katulad nila’y dapat nang mauubos

Meron ding nagkalat na mga talangka
Mga HAYOP na ubod kapal ang mukha
Upang makaangat kapwa’y  sinisira
Wala ng pakundangan, wala pang hiya

Mga talangka’y  sadyang nakakamangha
Tagumpay nila’y kabiguan ng kapwa
Ngiti’y galing sa mapapait na luha
Dumaloy sa mga mata ng taong sinira

May mga talangkang  kay sarap kutusan
‘Di nahihiyang kapwa’y sinisiraan
Bilib sa sarili’t nuknukan ng yabang
“Di mapapansing sila’y iniiwasan

Sa mga HAYOP  dapat lang na mag-ingat
Ani Del Pilar “CAYO AY CAIIGAT”
Kaylangan ninyo na laging magmamatyag
Pangontra’y ihanda laban sa kamandag

Unggoy sana’y maputulan ng dila
At ang mga ahas pangil ay mawala
Sana sa kalan mapunta ang mga talangka
‘Pag nagkagayon maraming matutuwa

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: