Advertisements

Kwadrado

kwardrado

Dulang May Isang Yugto (A One-Act Play in Filipino)

(Synopsis)

Sina  Christian  at Patrick ay mga OFW. Pareho silang nagta-trabaho sa Taiwan, si Christian bilang bartender at si Patrick naman  ay driver sa isang kumpanya. Pareho silang pamilyado.

Sila’y magkaibigan at magkumpare, ninong ng anak ni Christian si Patrick. Si Christian ay kilala ni Patrick na mahilig sa babae at ang pagkakakilala naman ni Christian kay Patrick ay isang straight na family man. Habang si Christian ay tiwalang nasasabi sa kanyang kumpare’t kaybigan ang mga kalokohang ginagawa at mga pinagdadaanang problema, si Patrick naman ay masikreto.  Ayaw kasi ni Patrrick na pinaguusapan ang kanyang personal na buhay.

Sa gabing iyon ay magpapasya  si Christian na hiwalayan ang kanyang karelasyon na nasa Pilipinas. Dumating sa punto na parang nagsawa na siya sa pambabae at nakonsensya  sa kanyang mga ginagawa lalo na nga’t alam niya kung gaano kabait at uliran ang kanyang asawang nasa Pilipinas. Ang pagnanais nitong magbagong-buhay ay sasalubungin ng isang malaking sorpresa.

**********

MGA TAUHAN 

 Christian – OFW, isang chickboy

Patrick –  OFW, masikretong tao

Missette – asawa ni Christian

Clarissa –  asawa ni Patrick

Mathhew – anak nina Christian at Missette.

ANG TANGHALAN

Mas maganda kung sa isang intimate theatre itanghal ang dulang ito. Layon kasi nitong ipakita kung paano ginagamit ng tao ang mga social networking sites habang sila’y nasa loob ng kwarto, kung papaanong ang cyberspace ay nagsisilbing entablado para sa mga drama nila sa buhay.

Kaylangan ng 2 malalaking screen na kunwari ay dalawang computer monitors kung saan ay makikitang ka video-chat o kapalitan ng messages ng tauhang nasa entablado ang ibang mga tauhan.

Isang study table ang makikita sa gitna ng stage. Nakaupo si Christian sa gitna na nakaharap sa isang laptop. May dalawang mas maliliit na lamesa na makikita sa bandang kanan at kaliwa ng study table at sa likuran niya ay ang kanyang kama.  Bukod sa laptop ay may isang 24-inch flat screen TV na ginagamit na extended monitor ni Christian. Ang kinalalagyang bahagi ni Christian ay nakapagitna sa dalawang screen. Sa pamamagitan ng mga ito ay makikita ng audience ang lahat ng mga activities ni Christian na nasa screen ng kanyang laptop at sa nakakabit na extended monitor dito.

PANAHON

Kasalukuyang panahon

**********

[Madilim. 

Maririnig sa background ang kanta ng Journey na “Faithfully” na sinasabayan ni Christian. Kasabay ng huling salita ng second stanza ng kanta ay bubukas ang ilaw sa stage at makikitang nakaharap si Christian audience payuko sa kanyang ginagamit na  laptop, sinasabayan pa rin n’ya ang kanta. Makikita sa screen sa kaliwa na pinapalitan n’ya ang kanyang profile picture sa Facebook at sa kanang screen naman ay bukas ang Youtube at pine-play ang kanta ng Journey na Faithfully. Matapos n’yang ma-upload ang kanyang picture ay makikita sa screen sa kanyang kanan na tumatawag sa Skype ang kanyang kumpareng si Patrick. Bubukas ang ilaw sa stage. Ipo-pause ni Christian ang music video at sasagutin ang Skype call.]

Christian: Oh pare natawag ka. [Makikita sa kanang screen si Patrick, may hawak na mug.]

Patrick: Oo eh, kasi miss na miss na kita.

Christian: Excuse me, hindi tayo talo bruha. [Tatawa at pagkatapos ay susubo ng pizza.]

Patrick: Wow, pizza!!![Ipapakita ni Christian ang fried chicken, coke at beer.] Food                               trip ba? Kumain na tayo kanina bago tayo naghiwalay ah.

Christian: Gutom pa rin ako eh! Bitin ako sa kain natin kanina!  Anong oras ka nga pala                      nakabalik d’yan sa apartment mo?

Click on the link below to continue reading…

KWADRADO

Advertisements
%d bloggers like this: