Advertisements

Monthly Archives: July 2019

Beyond Schooling

after-graduationBW

We stop schooling at a certain age but we should never stop learning. Learning is a lifelong endeavor and education is not confined in the four corners of the academe. The process of acquiring the desired knowledge, skills and values should continue even after graduation.

Schooling is not the only way to learn. There are other ways to obtain knowledge, to develop skills, and to cultivate the values required for us to become the best that we can be and function as productive members of society.

The foregoing assertions should not be construed as an attempt to undervalue schooling rather they should be viewed as arguments against the perception that not going to school to get a formal education is a reason for us not to be able to  maximize our potentials and succeed.

Not everybody has the financial resources to afford formal education from kindergarten to at least college and not everybody who has the capability to pay would also have the interest and enthusiasm for schooling.

If parents are well-off, the higher the possibility for the children to finish at least an undergraduate degree. That is if said children believe that education is a key to securing a good future. It is rather ironic that sometimes those who have the money to spend for education are not motivated to go to school and those who have the motivation to do so don’t have the capability to pay.

For some, not having enough financial resources is not a hindrance in the pursuit of a good education. We heard a lot of narratives about people belonging to poor families who worked while studying, earned their degrees, then eventually succeeded in life.

But there are people who also attained success even if they have no university diploma. A few of them even made it to the Forbes’ list of richest persons in the world. The oft-repeated stories of the Bill Gates and the Steve Jobs of the world support the assertion that a bachelor’s degree  (or higher – Master’s and PhD) is not the only key that could be used to unlock the doors to wealth, fame.

It can be argued that  a university degree does not always guarantee success in life in the same manner that not having it means that  a person’s future would be  bleak. It all depends on how those who manage to earn  degrees and those who did not play the cards their circumstances dealt them and the way they maximize their opportunities and whatever potentials they have.

There are degree holders who could not find decent jobs citing the lack of job opportunities as reason. Conversely, there are college dropouts who do not relish the idea of being under someone’s employ. So, they charted their own destinies and created their own opportunities. Check the list of the Forbes’ list of billionaires and you’ll be surprised to see some how many are actually college dropouts.

There are specific professions requiring prolonged training and certain qualifications that can be acquired only through formal education. This is when schooling becomes a necessity. But there are also occupations where formal education is not required. Artists, athletes, and business men for example need not have a university diploma. The degree they need is the degree of expertise they must exhibit in their respective arts, sports, and business.

It can also be argued that the schools could not possibly teach all of the competencies and skills we need to acquire aside from those required by whatever professions or occupations we have embraced. And even the said competencies and skills we learn while schooling need to be honed and upgraded. There’s more learning that must be done beyond schooling.

And there is one thing that we ought to learn when we start practicing our chosen profession or occupation – live a balanced life.

Life is not all about work and work is supposed to be “earning a living” and not “slowly killing one’s self.” While we may work hard to achieve whatever we want in life – money, degree, fame, and what have you, we should not sacrifice our relationships and health. Don’t work unreasonably hard that you may earn your millions just so you have money to spend for your hospitalization when you get sick. Living a balanced life means taking care of your work or business without sacrificing your health and disregarding the family and friends who need your attention.

Advertisements

Mga Maling Akala

downloadAng maling akala ay nakaka-istres. Wala itong magandang idinudulot. Para itong bumerang na kapag inihagis mo ay babalik sa iyo. Tanging ikaw lang ang maaapektuhan nito. Kasabihan pa nga na nakakamatay daw ang maling akala. Kaya makakabuti na umiwas dito. Iwasang mag-akala ng kung ano-ano. Ang payo nga ng “Eraserheads” eh bago maniwala’y mag-isip-isip ka muna.

Marami kang maling akala. Hindi ba’t inakala mo na ang lahat ng tao ay kikilos, magsasalita, at mag-iisip sa pamamaraang iyong inaasahan. Maling-mali ka diyan. Huwag mong asahan na ang kapwa mo ay susunod sa mga panuntunan at paniniwala mo kapag sila’y kumilos, nag-salita, at nag-isip. Tiyak na madidismaya ka lang at mai-istres. Baka pa masira ang tuktok mo sa kaiisip at sa sama ng loob eh sumabog ang iyong dibdib.

Hindi mo kontrolado ang pag-iisip ng ibang tao. Hindi mo puwedeng igiit sa kanila ang konsepto mo ng tama at mali. Tanging ang sarili mo lang ang pwede mong diktahan at manduhan. Hindi mo mapipigilan  ang gustong gawin at sabihin ng ibang tao sa pamamaraang kanilang pipiliin. Tanging ang sarili mong kilos at pananalita lamang ang pwede mong bantayan.

Huwag mong isipin na porke natapos ng kolehiyo eh aasta na may-pinag-aralan. Ito ay isa pa sa mga mali mong akala. Minsan kung sino pa iyong hayskul lang o walang tinapos na ano mang antas ng edukasyon ay siya pang edukadong maituturing. Madalas kasi na kapag nagiging titulado ang tao ay tumataas masyado ang pagtingin sa sarili sa punto na nawawala ang respeto sa kapwa  at nakakalimutan ang kababaang-loob.  Akala ang diploma eh lisensiya upang maging walang-hiya at mapagmalaki.

Ang kagandahang-asal at kabutihang-loob kasi ay hindi lang sa paaralan itinuturo. Nagsisimula sa tahanan ang pagkakatuto sa mga bagay na ito. Tungkulin ng magulang na imulat ang kanilang mga anak sa mga ito.

At sana’y hindi mali na akalaing ginagampanan ng bawat magulang ang tungkuling ito dahil kung hindi, kung hindi naturuan ng mga tatay at nanay ang kanilang mga anak ng tamang disiplina, eh medyo mahihirapan na ang mga guro sa paaralan na turuan ang mga bata ng kagandahang-asal at kabutihan-loob.

Huwag mo ring isipin na porke may-gulang na eh husto na sa pag-iisip. May mga matanda na pero kilos-bata at isip-bata pa rin. Marami rin namang mga nasa katanghaliang-gulang o mas bata pa subalit kakakitaan mo na ng kahustuhan sa pag-iisip at pag-kilos.

Tama naman na i-base mo sa edukasyon ang mga ekspektasyon mo dahil nga sa kung nakapag-aral ang tao at nasa kahustuhang gulang na eh aasahan mong siya ay disente, matino, at maayos kung gumawa ng desisyon. Pero huwag kang pakakasiguro. Huwag kagyat na magtitiwala at umasa na ganito o ganoon siya dapat umasta  porke siya ay edukado at nasa tamang-gulang. Magmatyag ka muna at makiramdam.

Eh paaano kung pala-simba ang tao, nagnonobena, at deboto pa ng kung sino-sinong santo? Kagyat mo  ba siyang pagkakatiwalaan at aakalaing  may takot siya sa Diyos? Lahat ba ng taong kakilala mo na tuwing Lingo at unang Biyernes ng buwan kung mag-simba ay puspos na ng kabanalan? Porke ba ang kakilala mo ay naglalakihan ang mga santong isinasali sa mga prusisyon o napaka-aktibo sa  mga aktibidad ng simbahang kinaaaniban niya eh akala mo na maituturing na siyang isang taong banal at perpekto? Ikaw, nasa sa iyo iyan. Kung sa tingin mo nga ay katiwa-tiwala ang tao dahil halos sa simbahan na siya natutulog eh “good luck|” na lang.

Kasi nga napakadami daw na mga banal na aso at santong kabayo. Kaya nga natatawa si “Yano”…hihihihi! Paano daw ba naman eh iyong aleng kasabay niya sa jeep, nagrorosaryo habang nakapikit, na nang pumara sa kumbento eh hindi huminto ang mamang tsuper baka daw hulihin siya ng pulis. Nagmura nang nagmura daw iyong ale hanggang makababa.

Ikaw… may mga kakilala ka bang nagbanal-banalan? At teka, akala mo ba na lahat ng tinatawag mong father, sister, pastor at ministro ay puwedeng pagkatiwalaan? Maraming lobo ang nag-aanyong tupa. Kaya kaiingat ka!

Ingat ka rin sa mga tumatawag sa iyo ng brother at sister, sa mga inaakala mong kaibigan, dahil hindi lamang sa gubat maraming ahas. Minsan nga eh may mga ahas na ang tawag sa iyo eh BFF. Ingat ka sa mga kamag-anak ni Hudas. Ingat ka rin sa mga “kaibigan kapag may kaylangan.” Linta ang mga iyan,

Hindi ko sinasabing pagdudahan mo ang lahat ng taong nakapaligid sa iyo. Pinag-iingat lamang kita. Nais ko lamang na ikaw ay matutong magmatyag at makiramadam dahil nakakamatay nga ang maling akala. Kilatasin nang mabuti ang mga taong nakapaligid sa iyo at tiyakin mong ang pagtitiwalang ibibigay mo eh hindi mo pagsisihan.

Ang tunay na kaibigan eh parang ginto. Kilatisin mo sila ng mabuti. Alam mo naman siguro ang pagkakaiba ng ginto sa tanso. Sana sa bandang huli eh hindi mo sasabihing – “Akala ko si BFF ay 24-karat, peke pala.”

Heto ang pinakamatindi sa mga mali mong akala – na ang kapalaran mo ay nakaguhit na sa iyong palad bago ka pa man isilang.

Sa maniwala ka o hindi, ikaw ang guguhit ng sarili mong tadhana.

Huwag kang umasa sa suwerte. Akala mo ba na totoo na ang kapalaran ay umiikot na parang roleta at hihintayin mong huminto sa jackpot at pagkatapos ay “you will live happily ever after”? Eh paano kung sa bokya tumapat?

Huwag kang umasa kahit kanino upang iangat ang iyong sarili at makamit mo ang tagumpay na inaasam. Tama ka kung iniisip mo na tungkulin ng mga magulang na tiyakin na magkakaroon ka ng magandang kinabukasan. Dapat ka nilang palakihin at papag-aralin. Eh papaano kung wala talagang kakayahan ang iyon mga magulang na suportahan ang iyong pag-aaral? Tapos na ba ang laban mo?

Totoong may gulong ang kapalaran na iikot habang nilalakbay ang buhay. Pero ang gulong na naturan ay nakadugtong sa isang manibela. Hindi ka sasakay sa ibabaw ng gulong at baka pag-ikot nito ay magulungan ka bagkus ay humawak ka sa manibelang nakadugtong sa gulong. Darating ang panahon na dapat huminto ang mga magulang mo, o sino pa man, sa pagkontrol ng iyong buhay. Ikaw ang magpapasiya niyan kung kaylan.

Ikaw ang magdedesisyon kung kaylan mo hahawakan ang manibelang nakadugtong sa gulong  ng iyong kapalaran upang ikaw na ang magmamanibora nito. Akala mo ba na magdaramdam ang mga magulang mo kong kung gagawin mo iyan? Hindi! Tiyak na magiging masaya sila kapag naramdaman o nakita nilang gusto mo nang hawanin ang mga damo at tinik sa daang gusto mong tahakin.

Kung walang kakayahan ang mga magulang mo na pag-aralin ka aba’y magtrabaho ka at mag-ipon upang matustusan mo ang iyong pag-aaral. At sana lang eh hindi ka isa sa mga nag-aakala na tungkulin ng gobyerno mo na bigyan ka ng trabaho. Mali ring akala iyan. Pasalamat ka kung may trabaho silang maibibigay sa iyo pero kung wala eh gumawa ka ng sarili mong paraan. Dumiskarte ka. Huwag ka nang dumagdag sa napakarami ng pasanin ng mga namamahala sa bayan natin.

At teka, akala mo ba na kaylangang tapos ka ng kolehiyo upang magtagumpay sa buhay? Maling akala rin iyan. Hindi lahat ng tao na nakarating sa rurok ng tagumpay ay may naka-graduate. Marami ang naging tanyag at yumaman kahit wala silang tinapos na kurso sa unibersidad. Sino sila at bakit sila nagtagumpay? I-google mo.

Uulitin ko – huwag mong i-asa sa iba ang pag-angat mo sa buhay at ang katuparan ng mga pangarap mo. Tanging ikaw lang makakagawa niyan. Siyempre, puwede mong sandigan ang Panginoon. Pero tandaan mo itong paulit-ulit nilang sinasabi – “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”

Sa palagay ko’y nagkakamali ka kung akala mo na ang estado ng buhay mo sa kasalukuyan ay resulta ng kapalarang itinakda para sa iyo ng Panginoon. Kung miserable ba ang buhay mo ngayon eh hindi ako naniniwala na  iyan ang itinakda  ng Amang nasa langit para sa iyo? Baka naman may mga mali kang naging desisyon sa nakaran kaya ka nagkaganyan

Ang isang katotohan na sana ay matutuhan nating yakapin ay ito – ano man ang kahihinatnan ng buhay natin, ano mang meron tayo ngayon at kung saan tayo nakarating, ay resulta ng lahat ng desisyong ginawa at gagawin pa natin. Kaya sana maging maingat tayo sa anomang desisyon na gagawin natin.

Sabi nga ng “Eraserheads” – “Huwag kalimutang magdahan-dahan kung ‘di ka sigurado sa kalalabasan, kalalabasan ng binabalak mo.” Dagdag pa nila, “Hindi mo maibabaon sa limot at bahala kapag nabulag ka ng maling akala.”

%d bloggers like this: