“Working Conditions Dito sa SK”

1513685_10152895581749844_4018097187584767695_n

Isang napakagandang oportunidad na ako’y nakapag-trabaho dito sa South Korea. Ito’y maituturing kong isang napakagandang biyaya na ipinagkaloob sa akin ng Panginoon. Ang pagtuturo ko dito (katulad nang nabanggit ko sa isang sinulat ko dito sa Kimchi Chronicles), ay talagang bahagi ng aking “career pathing.”

Itinuturing kong magandang biyaya na ako’y nakapagturo sa isang university dito sa South Korea (una sa Gyeoungju University [2013] at ngayon naman ay dito sa Hanseo University [2014-present]). Hindi lamang dahil sa mas malaki ang sweldong tinatanggap ko dito kumpara sa sweldo ko sa ‘pinas (given na iyon) kundi napakaganda ng “working conditions” sa mga universities dito.

Ako, halimbawa, sa isang linggo, ay magtuturo ng 5 tig-100 minutes na klase sa loob ng apat na araw, mag-stay sa office ng 4 hours a week para sa paperwork at baka pumunta rin ang mga estudyante for consultation, at isang oras at kalahati na mag-stay ka sa English Café para sa mga estudyante na gustong mag-praktis ng “conversation.” Kung susumahin ay required akong magreport sa school ng kulang-kulang na 14 na oras sa isang lingo at 8 at kalahating oras lang doon ang turo.

At iyon ay sa apat na araw lang dahil may isang araw na tinatawag na “research day.” Pwede hindi pumunta sa school.

Bilang isang “head professor” ay kaylangan kong mag-attend ng meeting, magpa-meeting sa members ng team ko (once a month lang naman), at bigyan sila ng mga updates at reminders. At sanay naman ako sa ganung gawain dahil mahigit 2 dekada akong may supervisory functions sa mga schools na pinasukan ko sa ‘pinas. At heto pa, sa kaunting gawaing nadagdag sa akin bilang “head professor” ay tumatanggap din ako ng dagdag na sweldo na kasyang budget sa pagkain ko for 2 weeks.

11540923_10153423504774844_3432984131582305352_n

Sa apat na araw na pasok na iyon ay kadalasang hapon na ang simula. Madalas na minsan lang sa isang linggo na may pasok akong umaga. Ganun pa man, pumapasok din ako ng umaga madalas dahil kadalasang sa labas ako nananghalian.

Nakakatawang nakakainis nga na ang mga “native speakers” na kasamahan namin ay nagrereklamo pa sa trabaho. Minsan nga ay may nadaanan akong 2 Amerikanong guro na puro reklamo pinaguusapan. Huminto ako sandali at nang ako ay binigyan ng pagkakataong magsalita ay sinabi ko sa kanila na…s’ympre sa English (Ilocano accent, hehe)…“How can I complain about anything…in the Philippines we are required to stay in school for 40 hours a week. And if you are a school administrator, even if nobody is asking you to do it you need to report to work earlier than the required and be the last to leave the campus to ensure that everything is fine.” Idinagdag ko pa na dito ang paperwork ay kilo-kilo, sa ‘pinas (lalo na kung sa RVM schools ka connected) ay tone-tonelada. Nagulat pa sila nang sabihin ko na kapag guro ka ay asahan mong sa isang semester ay oobserbahan ang klase mo ng hindi lamang isa o dalawang beses kundi higit pa.

Actually, dito ay hindi naman talaga required na sumulat ka ng research. (Pero kamakaylan lang ay naglabas na din ang university ng order na at least sa loob ng 3 taon ay may isang paper ka na mapa-publish.) Nagsusulat lang ako dahil nga napakadami kong bakanteng oras at bukod doon ay libangan ko naman talaga ang magsulat. At iyong bagay na iyon ang ikinagagalak ko sa “working conditions” dito. It enables me to pursue vigorously my other passion…WRITING. Kaya nga ako naka-gawa nitong website na ito, dahil marami akong free time.

Isa pa nga pala eh walang “time-in, time-out.” Hindi uso ang bundy clock. Kaya nga kung walang sense of professionalism ang isang nagta-trabaho dito ay sasabihing “Hayahay ang buhay.” Ganun pa man, wala ngang bundy clock pero kapa di ka papasok o lagi kang late eh t’yak ire-report ka ng mga estudyante mo sa department head nila at malamang na hindi ka mabibigyan ng “contract extension.”

Maganda ang working conditions dito at maayos na maayos ang pa-sweldo. Wala akong nakikitang problema. Hindi naman perpekto ang sistema, may mga negative din. Eh wala namang perpektong sistema.

Basta ako eh pinagsisikapan kong pagbutihin ang performance ko dahil hangga’t pinahihintulutan ng Panginoon at binibigyan ako dito ng pagkakataong mag-stay eh balak kong mag-turo dito ng matagal.

%d bloggers like this: